Kapag ako naging Presidente..

Kapag ako naging Presidente….Babaguhin ko ang sistema ng Pilipinas: Mga uunahin kong proyekto:

1. Lahat ng nakaupo sa gobyerno iimbestigahan…walang exception…pag may kasalanan ipakulong …Parusahan…Pantay Pantay…Walang Special Treatment….Pero dahil nasa gobyerno ka at pera ng mga mamamayan ang inubos mo dapat may tig isang kurot ka sa lahat ng taong nagbabayad ng TAX…(ang lagay ganon ganon na lang)

2. Palitan na lahat ng nakaupo….walang ititira….

3. Hindi pwede bumoto sa lipunan ang mga walang TAX deduction sa kanilang sweldo..

4. Hindi pwede ang paulit ulit na uupo sa gobyerno…kapag natapos na termino ..tapos
na…di na pwedeng tumakbo ulit kahit kailan..kahit saang posisyon..kahit ano…

5. bawal ang magkakapamilya sa Gobyerno…kahit sang lugar kapa tumakbo..

6. Open sa public lahat ng IN and OUt Financial statements… pati public pwede mag audit…lahat ng complains, suggestions, findings naka lista…..at kailangan may Turn Around TIme ang pag aksyon…

7. Gawan ng solusyon ang mga BAHA.. dapat wala ng BAha sa Pilipinas…kahit saang sulok .maging lugar man ito ng mga tribo

8. Lagyan ng CCTV lahat ng sulok ng Pilipinas… wala ng pulis na pakalat kalat…wala ng mga MMDA…ang mga pulis natin ay sasanaying mabuti para ipagtanggol lang ang PILIPINAS… Palakasin ang hukbong sandatahan…

9. Sa edukasyon, bibigyan ko ng diin ang subject na ENGLISH, MATH, SCIENCE, HISTORY, COMPUTER, GMRC, PAGKAMAKABAYAN, TECHNIQUES and LOGIC at OTHER LANGUAGES like Spanish, French, Mandarin..etc… Maaga kong sasanayin ang mga bata para mas maging mahusay sa ibang bansa… at hindi makipagkompetensya sa kapwa nila PILIPINO…

10. Tatanggalin ko din ang impresyon ng PRIVATE at PUBLIC schools…Lahat pantay pantay…walang mayaman ..walang mahirap….iisa lang ang paraan ng pagtuturo…iisa lang ang sistema..kung ano ang mas magandang paraan yun ang susundin… Pantay Pantay din ang sweldo ng mga Guro ..kung ano ang nararapat….

11. Sa mga pampublikong sasakyan, dapat may PILA….at ang mga MAtatanda, may kasamang bata, may kapansanan at mga Bata ang DAPAT na nakaupo….(huli man silang nakapasok)..ang di sumunod magmumulta…

12. Mga BATAS na dapat ipatupad na pwedeng makita sa CCTV ay may karampatang MULTA:

a. TAPAT mo LInis mo dapat …kapag lumabas ka ng bahay mo at nakita mo na may kalat at wala kang ginawang aksyon – MULTA!
b. Walang ASO sa labas ng kalsada…kapag nakalabas ang alaga mong aso/pusa — MULTA…kapag may nakagat –Doble ang MULTA
c. kapag nag aabang ng sasakyan, kapag hindi nakapila ng tama — MULTA
d. kapag dumura sa kalsada – MULTA
e. kapag nagkalat – MULTA

13. Sa mga kaso, kapag RAPE – PUTOL, kapag NAGNAKAW – tanggal daliri, kapag BATA ang ninakaw – tanggalin ang PAA, kapag PUMATAY – tanggalin ang dalawang kamay at ikulong habangbuhay…kapag nambugbog — bugbugin din…

14. kapag dumami na ang INVESTORS ng PILIPINAS galing sa ibang bansa, at nagtayo sila ng mga kumpanya dito sa atin.. uunahin bigyan ng trabaho ang wala pang trabaho at kapag may trabaho na pwede silang mag doble trabaho..

15. Bibigyan ko ng pagkakataon lahat ng PILIPINO na magINVEST sa stocks….Tuturuan kung pano paikutin at kumita ng malaki…bibigyan ng kaalaman…ang 5% ng kanilang sswelduhin ay iinvest (Pwedeng i withdraw anytime na gustuhin nila at pwedeng mag invest ulit kung gugustuhin)

Open for suggestions din….dahil karamay nyo ako Bilang TAO…Bilang PILIPINO….